paalala: ang aking mga isinulat dito ay aking mga sentimyento de asukal. magustuhan mo man o hindi (tagalog ng "like it or not), wala ka ng magagawa. :P beh!
I. ANG TRAFFIC bow...

Manila City, paglampas ng SM Manila, hindi ko alam yung kalsada eh.
Halimaw ang traffic sa Maynila! Halos 3 oras kaming nasa kalsada. Aru! Buti nalang hindi ako ang nagmamaneho kundi wala na kaming kotse. Papa, Papa, salamat ang mahinahon kang nagmaneho kahit ilang beses akong napa-f*ck dahil muntik ata tayo makabangga!
Sa mga LGU, nanawagan po ako, galingan pa po natin ang sistema ng ating trapiko upang mapadali ang ating buhay at hindi sumakabilangbuhay. Tandaan, ang taong mabilis magmaneho, malamang kailangan ng mag-cr. (ang corny ko!)
un lang.
II. Bakit nga ba hindi sumisikat si Charice sa Pilipinas?
Bakit nga ba? Kung sa ibang parte ng bilog na mundo eh kulang nalang sambahin si Charice tuwing siya'y kakanta, bakit nga ba sa madlang people ng Pilipinas ay hindi siya pumapatok kahit mapatid na ang litid niya?

Sa tingin ko kasi...
1. Isa siyang normal na biriterang Pilipina. Hindi naman masyadong naiiba ang boses niya sa mga LA Diva - Jonalyn Viray, Aicelle and Maricris, Sarah G., Rachelle Anne Go, at sa iba pang amateur biriteras. Di hamak na malayo siya kay Regine V. Kaya nga siya natalo sa contest na sinalihan niya dahil hindi siya "up to par". Naman! Kung sa ibang bansa'y unique siya, dito'y hindi, kumbaga, hindi siya "endangered species" dito tulad ni pokwang. Isa lamang siya sa napakaraming biritera. Pero magaling pa din siya no, sige nga, ikaw nga ang bumirit ng bumirit ng sobrang nakanganga, makakaya mo ba?
2. Kung kagandahan din lang ang paguusapan, sus!, malamang, ewan ko nalang. Ganito nalang, ang Pilipinas, ika nga nila, very visual, ang panget, hindi tumatagal ang magaganda, kahit walang talento, ipipilit sa kahit anong paraan. Tama ako dyan. Walang kontrahan! Magparetoke ka man, ganun pa din, hindi pa din uubra. Ano na nga ba ang nangyari sa mga hindi pinagpalang artista sa ating bansa, na-extinct na sila diba? diba? Pero, on a lighter note, hinding hindi mo naman maitatanggi na si Charice ay si Charice kapag nakita mo siya, sa hugis ba naman ng mukha niya, sino ang magkakamali?
3. Kulang siya sa mass appeal. Paano nga ba sumikat ng bonggang bongga si Sarah G., Ate Shawie at Mareng Judy Anne? Kahit nasa itaas sila, lumapit pa din sila sa mga normal ng Pilipino. Tagalog ang pananalita at hindi nagpipilit mag-ingles. Pero ok din naman at natututo siya mag-ingles, tama din naman yun. Practice lang ng practice, para magkamali at maitama!
Tama na yan mga nasabi ko. Tama na! hehe.
Halata bang ayaw ko sakanya? Hindi ko ayaw si Charice. Naman! Kung mas magaling ako sa kanya kumanta, aayawan ko siya. Pero hindi eh. Salamat pa din sa kanya at nadala niya ang bandila ng Pilipinas. Pinatunayan naman niya ang kagalingan ng mga Pinoy sa pag-awit. Sablay lang ng kumanta siya ng God Bless America, diba kasi ang last line nun eh, "God Bless America, my home, sweet home". Kayo na ang humusga.
Muli, hindi sa ayaw ko siya. Inilahad ko lang ang aking mga hinuha kung bakit hindi pa siya kinakagat sa Pilipinas. Sayang!
:P
No comments:
Post a Comment